Home NATIONWIDE Task force laban sa pekeng 9G visas, itinatag

Task force laban sa pekeng 9G visas, itinatag

MANILA, Philippines – Bumuo na ang Department of Justice (DOJ) ng task force na mag-iimbistiga sa mga abugado ng Bureau of Immigration na posibleng sangkot sa pag-isyu ng mga pre-arranged employment o 9G visas sa mga pekeng kumpanya.

Ayon kay Justice spokesperson Mico Clavano, magkasama sa imbestigasyon ang DOJ at National Bureau of Investigation upang malaman kung gaano kalalim ang problema.

Ang 9G visa ay isa sa requirement sa mga dayuhan na magtatrabaho sa bansa.

Nitong nakaraang linggo, inanunsyo ng BI na apat na abugado niyo ang sinibak sa pwesto dahil sa pagkakasangkot sa anomalya.

Iimbistigahan ng task force ang mga naging operasyon ng mga sangkot sa nakalipas na limang taon.

Samantala, iniimbistigahan rin ng DOJ ang kaso ni Lin Jyun-Ze, ang Taiwanese national na nadiskubreng may 9G visa.

Sinabi ni Clavano na nang maaresto ay nakita ng mga otoridad ang operasyon ng online scamming, gambling, illegal drugs, sim cards, firearms at mga IDs.

Nais matukoy ng DOJ kung sino ang mga ‘backer’ sa likod ng mga sindikato. Teresa Tavares

Previous articleDennis, bet makatikim ng minumura!
Next articlePandaraya sa resulta ng lotto, pinabulaanan ng PCSO sa Senado