AMNILA, Philippines- Inihain ni Senador Sonny Angara ang isang panukalang batas upang mapalakas ang produktong Filipino sa pamamagitan ng Tatak Pinoy Bll upang makipagkumpetensiya sa pandaigdigang pamilihan.
Sinabi ni Angara sa paghahain ng Senate Bill No 2281 o ang Tatak Pinoy (Proud Pinoy Strategy), na kailangan magkaroon ng malalas na public-private collaboration upang matiyak ang sustnableng paglago at maging competitive ang bansa sa buong mundo.
“It is high time that the entire country works together to bring the Philippines closer to the ranks of the world’s most vibrant economies by improving and diversifying the goods it produces,” ayon kay Angara.
Sinabi ni Angara, chairman ng Senate committee on finance, na matapos ang ilang taong multi-sectoral consultations sa pribado at pampublikong sektor, kailangan magkaron ng pambansang pagkilos na makamit ang kaunlaran sa ekonomiya at kasagahan ng ating bansa, kung makakamit natin ang layunin na 6.5 hanggang 8% growth rate mua sa 2024 hanggang 2028 na nakapaloob sa Philippine Development Plan at mapanatili ito sa mga susunod na taon.
Dahil dito, inihain ni Angara ang isang roadmap na nagdadala ng naturang layunin sa pamamagitan ng Senate Bill No. 2218, na nagsasabing kailangan magsagawa ng “formulation, financing, implementation, monitoring, and evaluation of a comprehensive and multi-year Tatak Pinoy (Proudly Filipino) strategy.”
“Dubbed as the Tatak Pinoy Act, SBN 2218 would require the government agencies to collaborate with the private sector to ensure that all the strategies and interventions introduced would be focused on the expansion and diversification of the productive capabilities of local enterprises,” paliwanag ni Angara.
“We dubbed this advocacy Tatak Pinoy or Proudly Filipino because we believe that the results it seeks to achieve—namely world-beating Filipino enterprises selling globally competitive products and services to the rest of the world—are things that the country as a whole can and should be proud of,” giit ni Angara sa paghahain ng panukala.
Nagsimula ang adbokasiya ni Angara sa Tatak Pinoy noong 2019, kaya nakapaghain na ito ng ilang panukalang batas at naisama ang pangunahing inisyatiba sa General Appropriations Acts, bukod sa pagsasagawa ng konsultasyon sa industry associations, experts mula sa academe, local government units at iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan bilang suporta sa obhektibo na palakasin ang kapasidad ng lokal na industriya at lumikha ng mas marami at mataas na sahod para sa ating mamamayan.
Aniya: “These include the institutionalization of the Shared Service Facilities program of the Department of Trade and Industry; National Quality Infrastructure; Poverty Reduction Through Social Enterprises Act; giving preference to domestic manufacturers/suppliers in the procurement of goods by the government; the Innovation Fund; and research and development for agriculture.”
“While these measures will help address our economy’s bottlenecks, more fundamental and comprehensive changes are needed to really prop up our local industries, enable them to produce more diverse and sophisticated products and services, and systematically expand and diversify the productive capabilities of the economy as a whole,” ayon kay Angara.
Advertisement