Home METRO Tatay, 4-anyos na anak niratrat ng bala habang nasa folding bed

Tatay, 4-anyos na anak niratrat ng bala habang nasa folding bed

ABRA – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang ama at kanyang apat na taong gulang na anak na babae sa harap ng kanilang tahanan sa Dolores, Abra noong Miyerkules ng gabi, Abril 24.

Sinalakay ng hindi pa nakikilalang gunman si Arnel Zapata at ang kanyang anak na babae habang sila ay nagpapahinga sa folding bed.

Labing-isang basyo ng bala mula sa M16 rifle ang natagpuan sa pinangyarihan ng krimen.

Iniimbestigahan na ng Dolores Police kung ang pagpatay ay nauugnay sa trabaho ni Zapata bilang driver ng munisipyo at kung aksidenteng biktima lamang ang kanyang anak na babae.

“Maraming anggulo ang tinututukan natin. Patuloy ang aming imbestigasyon para mabigyan natin sila ng hustisya,” ani Dolores Police Chief Police Major Harold Alagao. RNT