Home METRO Tatay patay kay junior

Tatay patay kay junior

913
0

HIMAMAYLAN CITY- PATAY ang lasenggong ama matapos masaksak ng sariling anak na kanyang Jr., makaraan magtalo ang mag-ama dahil sa pagwawala umano ng una, nitong Miyerkoles sa probinsya ng Negros Occidental.

Kinilala ang namatay na si Fernando Jodilla Sr., habang sumuko naman sa pulisya ang suspek at anak nitong si Fernando Jodilla Jr, 28-anyos, kapwa residente sa Bangga Diot, Brgy III-Poblacion, Himamaylan City.

Batay sa report ng Himamaylan City Police Station, bandang 5:30 PM ng maganap ang krimen sa loob ng bahay ng matandang Jodilla.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, lango sa alak ang biktima at nagwala ito sa kanilang bahay dahilan para sawayin ito ng batang Jodilla na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Naawat naman ang mag-ama ng kanilang miyembro ng pamilya at nagpasyang umuwi sa kanilang bahay ang suspek.

Ilang oras ang makalipas, bumalik muli sa bahay ng ama ang suspek para humingi ng pasensya sa pag-aakalang maayos na ang lahat pero sinunggaban umano ito ng kutsilyo ng ama.

Nag-agawan ng suspek ang mag-ama hanggang sa bumagsak ang sahig ang biktima at aksidenteng nasaksak ito tagiliran bahagi ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen sumuko naman sa pulisya ang suspek at nagpasya na rin ang pamilya na hindi magsasampa ng kaso.

Kwento ng iba pang anak ng biktima na sa tuwing nalalasing ang kanilang ama ay nagwawala ito at minsan at sila ang napagbuntunan./Mary Anne Sapico

Previous articleMabigat na parusa sa nagbebenta ng registered SIM, hirit sa Senado
Next article2 kasabwat sa pamamaril-patay sa kapitan naaresto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here