Tatlong tulak tiklo sa P340K shabu

Tatlong tulak tiklo sa P340K shabu

March 24, 2020 @ 7:02 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Arestado ang tatlong tulak ng droga nang makunan ng P340K halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Caloocan City kahapon, Marso 23.

 

Kinilala ang mga dinakip na sina Jonas Cruz y Dognedon, 24, istambay, ng 147, Francisco St., Caloocan City; Danalyn Dabu y Lagrimas alyas Danna, 39, istambay ng Brgy. 63, Zone 6, District ll, Caloocan City; at Norby Remellete y Feolino, 39, ng P. Galauran St., Brgy. 56, Zone 5, District ll, Caloocan City.

 

Isinagawa ang operasyon laban sa tatlo alas-5 ng hapon sa bahay ng suspek na si Dabu.

 

Isang poseur-buyer ang nakaiskor ng shabu sa mga suspek kapalit ng P500 marked money at agad silang dinamba ng mga parak.

 

Nakumpisksa sa trio ang 10 medium na sachet ng shabu, at isang maliit na sachet ng shabu na tumitimbang ng 50 gramo at nagkakahalaga ng Php. 340,000.

 

Bukod ditto ay nasamsam din ang P500 marked money at tatlong cellular phones mulas a mga suspek.

 

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang ikakaso laban sa mga dinakip. R.A Marquez

 

 

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...