Home NATIONWIDE Tauhan ng BOC ‘di nakikinig sa Senate hearing, sinermunan ni Padilla

Tauhan ng BOC ‘di nakikinig sa Senate hearing, sinermunan ni Padilla

406
0

MANILA, Philippines – Sinermunan ni
Senator Robin Padilla ang tauhan ng Bureau of Customs dahil sa hindi nito pagtutuon ng atensyon at hindi pakikinig sa kanya, sa nagpapatuloy na pagdinig ng Senado kaugnay ng agricultural smuggling.

Habang nagbibigay kasi ng opening remarks si Padilla sa joint panel session na pinangungunahan ng Senate committee on agriculture, dalawang resource persons mula sa BOC ang naka-agaw ng atensyon ng senador.

“Pwede pong makinig itong dalawang ito sa Bureau of Customs dahil para po sa inyo ito. Excuse me, busy ba kayo? Baka busy kayo? Para sa inyo itong sinasabi ko, pwede ba kayong makinig?” sinabi ni Padilla.

“’Di ba sa Bureau of Customs kayo? ‘Di ba kayo nahihiya? Smuggling itong pinaguusapan natin, makinig kayo,” pagpapatuloy niya.

Kasunod nito ay naglabas na ng saloobin si Padilla kung gaanong kahiya-hiya ang patuloy na pag-aangkat ng Pilipinas sa mga agricultural product gayong masisipag naman ang mga magsasaka. RNT/JGC

Previous articleBabaeng nangingikil sa negosyante, tiklo sa entrapment ops
Next article9 Pinoy na biktima ng sex trafficking abroad, pinauwi na – BI

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here