Home METRO Taxi driver na wanted sa droga arestado sa Caloocan

Taxi driver na wanted sa droga arestado sa Caloocan

281
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang 47-anyos na taxi driver na wanted sa kasong may kinalaman iligal na droga sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na si Ronie Mahawan alyas “Pong” ng Purok 7, Sitio 4, Petchayan Brgy. 178.

Sa ulat ni Col. Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ponce Rogelio Peñones Jr, alas-5:25 ng hapon nang maaresto ang akusado sa kanyang bahay ng mga tauhan ng IDMS-WSS sa pangunguna ni P/Major Jeraldson Rivera sa manhunt operation.

Ani Major Rivera, dinakip nila ang akusado sa bisa warrant of arrest Regional Trial Court, Branch 176, Manila City noong February 23, 2023, para sa kasong paglabag sa Section 11 (3), Article II of RA 9165 (Possession of Dangerous Drug). Rene Manahan

Previous articleKauna-unahang Pinay appointee dadalo sa Vatican assembly
Next articleMagsasaka tulak tobats, tsongki, timbog

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here