MANILA, Philippines – Sumuko ang team leader ng New People’s Army (NPA) na kumikilos sa South Cotabato nitong Huwebes, Setyembre 7.
Kinilala ni Lt. Col. Carlyleo Nagac, Army’s 5th Special Forces Battalion commander, ang sumuko na si “Mateo”, 35-anyos, na nagsuko ng kanyang .38-caliber revolver at isang M16 rifle na nagpunta sa military detachment sa Barangay Lamlahak, Lake Sebu.
“Mateo is a squad leader of the NPA operational command, Far South Mindanao Region movement,” ani Nagac.
Si Mateo ay sumuko sa mga awtoridad matapos maisip na wala nang patutunguhan ang kanilang pakikibaka, na ginawa niya sa loob ng pitong taon.
Ipinrisenta ni Nagac si Mateo kay Brig. Gen. Andre Santos, Army 1st Mechanized Brigade commander, na nagsabing ang pagsuko ng lider ng NPA ay indikasyon na humihina na ang kilusan sa lugar.
Pinuri naman ni Maj. Gen. Alex Rillera, 6ID commander, ang desisyon ni Mateo na magbalik-loob na sa pamahalaan.
“The government opens its door to all communist rebels who wish to be reintegrated into the mainstream and live a normal life,” sinabi ni Rillera, commander ng Joint Task Force Central.
Mula Enero, nasa 50 rebeldeng NPA na ang sumuko sa lugar. RNT/JGC