Home ENTERTAINMENT Teejay, pabitin sa kissing scene with Kelvin!

Teejay, pabitin sa kissing scene with Kelvin!

Manila, Philippines- Isa si Teejay Marquez sa cast ng pelikulang After All mula sa ALV Films na pinagbibidahan nina Kelvin Miranda at Beauty Gonzales. Mula ito sa direksyon ni Adolf Alix.

“Ako po si Joey sa After All. Mommy ko po rito si Miss Beauty Gonzales, bilang si Ina. Best friend ko rito si Kelvin bilang si Joseph. At jowa ko rin dito si Miss Devon,” sabi ni Teejay tungkol sa kanyang role sa After All.

Bukod kay Devon ay karelasyon din ni Teejay sa pelikula si Kelvin.

“Medyo challenging ‘yung role ko rito kasi ka-tringle ko sina Kelvin at Miss Beauty. Iisa ‘yung lalaking minamahal namin ni Miss Beauty.”

Sa After All ay may kissing scene sina Beauty at Kelvin. Kaya tinanong namin si Teejay kung may kissing scene din ba sila ni Kelvin sa pelikula, dahil lovers din sila.

Ang sagot niya na natatawa, “Ay abangan ninyo po ‘yan. Dapat ninyo pong abangan ‘yan. Kaya dapat manood kayo ng After All sa February 28 (na showing ang pelikula) para malaman ninyo kung may kissing scene ba kami rito.”

Hindi na bago kay Teejay na gumanap sa role ma may karelasyong kapwa niya lalaki. Nakagawa na kasi siya ng BL series kung saan kapareha niya si Jerome Ponce titled Ben X Jim na naging successful nang ipalabas ito sa Regal Entertainment Channel.

“Nung sinyut namin ito (After All), kasagsagan ng Ben X Jim. ‘Yun ang isa sa reasons kung bakit ako kinuha rito.

“Hindi naman ito ginawa ngayon, matagal na namin itong sinyut. Happy ako na finally ay mapapanood na ang pelikulang pinaghirapan namin,” sabi niya. Rommel Placente

Previous articleDOLE: Taas-presyo ng mga bilihin nagbabadya sa dagdag-sahod ng mga manggagawa
Next articlePNP makatatanggap ng drones, drone jammers