MANILA, Philippines – Dinakip sa bisa ng warrant dahil sa paglabag sa Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act ang isang 18-anyos na lalaki sa Valenzuela City.
Arestado ang suspek na itinago sa pangalang “Ryan,” ng RMS Ville, Barangay Gen T. De Leon, ng lungsod.
Ang warrant na ginamit sa paghuli sa suspek ay inisyu ni Hon. Mateo B. Altajeros, Acting Presiding Judge, Regional Trial Court Branch 172, Valenzuela City noong Setyembre 18, 2023.
Nakasaad sa warrant na P120,000 ang rekomendadong pyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Ryan. Merly Iral