Home NATIONWIDE Telemedicine app para sa mga PDL inilunsad ng DOJ

Telemedicine app para sa mga PDL inilunsad ng DOJ

MANILA, Philippines- Inilunsad ng Department of Justice, sa pakikipagtulungan sa tech companies, ang isang telemedicine application para sa persons deprived of liberty (PDLs) sa Correctional Institution for Women (CIW). 

“Hindi nila kinakailangan ng additional facility. Andito po sila sa loob. Imo-monitor po sila nung nurse habang sila ay nag te-telemedicine,” pahayag ni Karrie Buenafe ng Huawei Philippines sa ulat.

Batay sa ulat, namimigay din ng libreng libreng tablets sa correctional institution.

“Sa heart, sa breast, sa cervical, ‘yun po yung mga illnesses na nandito,” pahayag ni CIW acting warden Daisy Sevilla-Castillote.

Samantala, sinabi naman ni Justice Undersecretary Deo Marco, na  bubuksan ang telemedicine application sa lahat ng kulungan at penal farms ng Bureau of Corrections (BuCor).

“Nag simula lang kami sa CIW but gagawin namin ito sa lahat ng mga penal facilities natin,” ani Marco.

Bukod sa telemedicine program, paiigtingin din ng DOJ ang livelihood program sa CIW. RNT/SA

Previous articleInfra damage sa Amihan, LPA lampas P1B na
Next article6 durugista timbog sa pot session sa loob ng 10-wheeler truck