MANILA, Philippines – Nakapagtala na naman sa ikatlong pagkakataon ngayong linggo ng “unofficial record high” na average temperature ang mundo.
Dahil dito ay maituturing na itong pinakamainit na linggo sa rekord.
Sa datos ng University of Maine – Climate Reanalyzer, pumalo sa 17.23 degrees Celsius ang planetary average temperature, mas mataas sa naitalang 17.18 degree Celsius noong Hulyo 4 at Miyerkules, Hulyo 5.
Kabilang sa naturang average ang mga lugar na nakaranas ng pinakamainit na panahon katulad ng Jingxing, China, na umabot ng 43.3 degrees Celsius, at sa Antarctica na nakaranas din ng above normal na init na aabot sa 8 degrees Celsius.
āAlthough NOAA cannot validate the methodology or conclusion of the University of Maine analysis, we recognize that we are in a warm period due to climate change,ā sinabi ng National Oceanic and Atmospheric Administration.
Sa kabila nito, kapansin-pansin pa rin na ang mga bagay na ito ay epekto ng climate change. RNT/JGC