Home METRO Temperatura sa Baguio, bumaba pa sa 11°C

Temperatura sa Baguio, bumaba pa sa 11°C

MANILA, Philippines – Bumagsak sa 11.0°C ang temperatura sa Baguio City nitong Lunes ng umaga, Enero 29.

Ayon sa PAGASA, ang sumunod sa Baguio na may pinakamababang temperatura ay ang Basco, Batanes sa 15.7°C.

Naitala naman sa Tanay, Rizal ang 18.3°C, habang ang Laoag City, Ilocos Norte at Abucay, Bataan ay nakapagtala ng 18.8°C at 19.3°C.

Sa kabilang banda, naitala naman ang pinakamataas na temperatura nitong Lunes sa San Jose, Occidental Mindoro sa 33.6°C.

Sinundan ito ng Zamboanga City, Zamboanga del Sur sa 32.8°C; Cotabato City, Maguindanao sa 32.0°C; Coron, Palawan sa 31.6°C; at Dagupan City, Pangasinan sa 31.2°C.

Kasalukuyan pa ring nakakaapekto sa bansa ang northeast monsoon o amihan na nagdadala ng malamig na panahon. RNT/JGC

Previous articleMiyembro ng Grease Gun Gang huli sa Kankaloo
Next articlePahayag ni Duterte kay PBBM ipinaliwanag ni Escudero