Home METRO Temperatura sa Baguio City bumulusok sa 9.8°C

Temperatura sa Baguio City bumulusok sa 9.8°C

MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Sabado na bumaba ang air temperature sa Baguio City sa 9.8°C.

Base sa update ng weather bureau, ito ang pinakamababang temperaturang naitala sa bansa mula nang pumasok ang taon.

Kabilang sa top 10 areas na may pinakamababang temperatura niting Sabado ang Laoag City, Ilocos Norte (16.2°C); Basco, Batanes (16.6°C ); Malaybalay, Bukidnon (17.0°C); Muñoz, Nueva Ecija (17.2°C); Tuguegarao City, Cagayan (17.6°C); Tanay, Rizal (17.7°C); Abucay, Bataan (18.2°C); Casiguran, Aurora (18.4°C); at Sinait, Ilocos Sur (18.5°C).

Anang PAGASA, muling lumakas ang northeast monsoon, kilala bilang “amihan” na nagdudulot ng malamig na temperatura sa bansa. RNT/SA

Previous article‘Bagong Pilipinas’ aarangkada bukas
Next articlePinay isa sa 4 bangkay na narekober sa Hawaii wildfire; kinumpirma ng Maui authorities