Home NATIONWIDE Temporary residents sa Canada lilimitahan

Temporary residents sa Canada lilimitahan

OTTAWA, Canada- Binabalak ng Canada na bawasan ang temporary residents nito at limitahan ang temporary immigration sa unang pagkakataon, ayon kay Immigration Minister Marc Miller nitong Huwebes, sa pinakabagong pagsisikap ng gobyernong tugunan ang housing shortage at kinakapos na iba pang essential services.

Sa nakalipas na panahon, nakita ang pagtaas ng bilang ng international students, foreign workers at iba pang temporary residents sa Canada na pumupunta sa bansa hawak ang time-limited visas, sa pagbatay ng gobyerno ni Prime Minister Justin Trudeau sa immigration sa pagpapalakas ng economic growth at pagtugon sa labor gaps.

Subalit, nakaranas ang Liberal government ng political pressure dahil sa immigration policies nito, kung saan iginiit ng mga kritiko na naaapektuhan nito ang pabahay, maging ilang serbisyo sa mga probinsya, tulad ng edukasyon at pangkalusugan, na nahihirapan nang makasabay sa paglobo ng populasyon.

Target ng gobyernong bawasan ang temporary residents sa 5% ng kabuuang populasyon sa susunod na tatlong taon mula 6.5% noong 2023, ayon kay Miller. Nangangahulugan ito ng halos 20% kabawasan mula sa 2.5 milyong temporary residents sa Canada noong 2023.

Makikipagpulong si Miller sa kanyang provincial at territorial counterparts sa Mayo upang isapinal ang plano.

“We need to ensure the number of temporary residents entering the country is at a sustainable level,” wika ni Miller.

“Starting this fall for the first time, we will expand the immigration levels plan to include both temporary resident arrivals and permanent resident arrivals,” dagdag niya, na tinutukoy ang immigration targets ng federal government. RNT/SA

Previous articleTINGNAN: ‘Kalbaryo ng Maralita’ protest sa NHA
Next articlePasaporte ni Teves kanselado na – DFA