Home SPORTS Tenorio balik-PBA sa Oktubre?

Tenorio balik-PBA sa Oktubre?

582
0

MANILA – Isiniwalat ni Barangay Ginebra star LA Tenorio ang pagbabalik ng PBA sa Oktubre.

Sa unang episode ng San Miguel Corporation (SMC) vlog na “Sa’n si Miguel,” sinabi ng multiple-time PBA Finals MVP na kinukumpleto niya ang kanyang cancer treatments sa Singapore kada dalawang linggo.

Nag-anunsiyo ang Ginebra Gin Kings guard noong Marso na siya ay may Stage 3 colon cancer — pinilit siyang sumailalim sa chemotherapy sa loob ng kalahating taon.

Noong huling bahagi ng Abril, sinabi niya na wala na siyang tumor pagkatapos sumailalim sa operasyon ngunit hindi pa cancer-free.

“Sa ngayon ay tuloy-tuloy ang pagpapagamot ko. Every two weeks ako pumupunta doon para sa sessions ko. Matagal pang proseso ito pero positive ako dahil so far maganda ang mga feedback ng mga doktor at syempre patuloy ang pagdarasal natin sa Diyos na mas bumilis pa ang paggaling ko. Basta naman andyan ang suporta at dasal ng pamilya, mga kaibigan, Ginebra fans at San Miguel family ay laban tayo,” ani Tenorio sa SMC vlog.

“Talagang hinahanap ng katawan ko ang paglalaro. Noong umabot kami sa finals last time ay talagang gusto kong makatulong sa team. Awa ng Diyos ay makakabalik ako sa October pero importante na tapos na ang gamutan at kailangan ko ulit na magpakundisyon dahil kailangan ay ready ako pag pwede na maglaro at makatulong talaga sa team,” wika ni Tenorio.

Samantala, isinalaysay ng Barangay Ginebra superstar sa limang minutong video kung paano ang Ramon Ang (RSA)-led corporation ay nag-champion ng ilang proyekto na maaaring makinabang ang mga Pilipino.

“Malaki ang pasasalamat ko sa suporta ni Boss RSA nung paglipat ko sa Ginebra mga sampung taon na ang nakakalipas, at ito ang pinakamagandang nangyari sa basketball career ko,” ani Tenorio.

“Sa simula pa lang andyan si Boss RSA at si Boss Al Chua na tumulong sa akin at palagi nila akong tsinitsek kung okay ako at sinasabihan na huwag mag-alala ay mag focus lang sa pagpapagaling. Sa ngayon ay tinutulungan ko ‘yung team as assistant coach at nag-fo-focus sa pagbibigay ng pointers sa mga players namin sa practice.”JC

Previous articleFirst Lady ipinagtanggol ni Arroyo, walang kinalaman sa kaguluhan sa Kamara
Next articleKiefer Ravena pumirma ng contract-extension sa Shiga Lakes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here