Home NATIONWIDE Tensyon sa Taiwan Strait lubos na ikinababahala ni PBBM

Tensyon sa Taiwan Strait lubos na ikinababahala ni PBBM

MANILA, Philippines – NAGPAHAYAG nang pagkabahala si Pangulong Ferdinand Marcos kaugnay sa tensyon sa Taiwan Strait.

Aniya, maaaring itong makaapekto sa hilagang bahagi ng Pilipinas.

”The Philippines is greatly concerned over tensions across the Taiwan Strait,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa idinaos na pulong kasama si Vietnamese Prime Minister Pham Minh Ching sa Hanoi.

”Any conflict in Taiwan is certain to affect the northern territories of all the Philippine’s archipelago, and it may compromise the safety and wellbeing of Filipinos who have made their lives in Taiwan. I understand that Vietnam as well has a sizable population in Taiwan,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

Kamakailan, sinabi ng defense ministry ng Taiwan na namataan nito ang 11 Chinese military planes na tumawid sa median line ng Taiwan Strait sa nakalipas na 24 oras.

Iniulat dfin ng ministry na 23 Chinese air force planes ang nag-operate sa paligid ng Taiwan, nagsasagawa ng “joint combat readiness patrols” kasama ang Chinese warships bago pa ang high-level China-US talks sa Thailand. Kris Jose

Previous article#WalangPasok sa Baguio sa Peb. 3 para sa Panagbenga parade
Next articleBastos na Czech nat’l sa airport, blacklisted sa BI