MANILA, Philippines- Inamin ni Defense Secretary Gilberto Teodoro na kailangan ng Pilipinas ng tulong ng mga kaalyado sa pagbabantay sa teritoryo nito.
Subalit, iginiit niya na hindi nakasandal ang Pilipinas sa anumang bansa, partikular sa United States, para sa proteksyon.
“This time, we are asserting our sovereign rights, our sovereign jurisdiction in a proactive way, not in a passive way,” pahayag ng defense secretary sa isang panayam.
“Because we feel that being passive just means that our territory will just be eaten up,” paliwanag niya.
“So now, we try to proactively assert our rights in the West Philippine Sea. So now we need the assistance,” pag-amin pa niya.
Sinabi niya, pinagtitibay ng pamahalaan ang maritime interests sa pamamagitan ng pakikipagtulungan hindi lamang sa US, kundi maging sa “coalition of like-minded countries” katulad ng Japan, South Korea, Australia, at iba pang Asean countries,.
Iginiit niya ito nitong Huwebes sa paglitaw ng mga katanungan ukol sa presensya ng US aircraft sa West Philippine Sea.
Matatandaang tinanong ni Senator Robin Padilla kung naging “dependent” na ang Pilipinas sa US.
Tinukoy niya ang presensya ng US plane sa pinakabagong resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Pinabulaanan ni Teodoro ang mga akusasyon na umaasa ang Pilipinas sa US sa pagdepensa sa WPS laban sa agresyon ng China.
“You know, to me, the water cannoning proves that we are not leaning too much on the US,” aniya.
“Because if we lean too much on the US, we’ll ask them to escort us there, which we don’t want to do,” paglilinaw niya.
“We want to do things our way, and we want a balanced foreign policy,” paninindigan ng opisyal. RNT/SA