Home NATIONWIDE Teritoryo ng Pinas ‘di isusuko sa dayuhang kapangyarihan – PBBM

Teritoryo ng Pinas ‘di isusuko sa dayuhang kapangyarihan – PBBM

MANILA, Philippines- Hindi isusuko ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahit na isang pulgada ng teritoryo ng Pilipinas sa sinuman o anumang bansa.

Ito ang sinabi ni Pangulong Marcos sa harap ng mga miyembro ng Parliament of Australia.

“I shall never tire of repeating the declaration that I made from the first day that I took office: I will not allow any attempt by any foreign power to take even one square inch of our sovereign territory,” ang bahagi ng naging talumpati ng Chief Executive sa Parliament of Australia, araw ng Huwebes, Pabrero 29.

Tinalakay ng Pangulo ang bansa bilang frontline “against actions that undermine regional peace, erode regional stability, and threaten regional success.”

“Then as now, we remain firm in defending our sovereignty, our sovereign rights, our jurisdiction,” dagdag niya.

“The challenges that we face may be formidable, but equally formidable is our resolve. We will not yield,” patuloy ng Pangulo.

Binigyang-diin niya na ang proteksyon ng South China Sea bilang “vital, critical global artery” ay mahalaga para sa pagpapanatili ng regional peace at global peace, at nanawagan sa Australia na magsama-samang harapin ang mga hamon sa rehiyon.

“Just as we fought to build our rules-based international order, so are we now fighting to protect it,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“The protection of the South China Sea as a vital, critical global artery is crucial to the preservation of regional peace and, I daresay, of global peace,” dagdag na wika nito.

Sinabi ng Punong Ehekutibo sa mga ito na kailangang palakasin ng dalawang bansa ang kanilang pwersa at protektahan ang kapayapaan na natamo mula sa pakikipaglaban sa panahon ng giyera.

Aniya pa rin, “we must oppose actions that clearly denigrate the rule of law.”

Tinuran pa ng Chief Executive na ang lakas ng Pilipinas ay hinugot mula sa “consistent and unequivocal support” ng Australia at ng international community para sa lawful exercise ng karapatan ng bansa, na naplantsa sa ilalim ng international law.

Binigyang-diin niya ang shared interest ng Australia sa Pilipinas “in keeping our seas free and open and in ensuring unimpeded passage and freedom of navigation.”

“Today, that peace, that stability, and our continued success, have come under threat. Once again, we must come together as partners to face the common challenges confronting the region,” ayon kay  Pangulong Marcos.

“Not one single country can do this by itself. No single force alone can counter them by themselves. This is why our Strategic Partnership has grown more important than ever,” tinuran pa niya.

Samantala, pinasalamatan naman ng Pangulo ang Australian government para sa pagsuporta sa Pilipinas sa pagtataguyod ng “unified and universal character of the United Nations Convention on the Law of the Sea as the constitution of the oceans.” Kris Jose

Previous article706 PDL mula sa iba’t ibang penal farm pinalaya ng BuCor
Next articleMedical marijuana mapakikinangan ng cancer, epileptic patients – JV Ejercito