NAKAKUHA ang fit-again na si Terrence Romeo ng bagong kontrata sa San Miguel Beer.
Pumirma ang three-time PBA scoring champion ng bagong kasunduan na magbibigay sa kanya ng prangkisa hanggang 2025.
Nagpapasalamat si Romeo sa pamunuan ng San Miguel Corporation sa pangunguna ni CEO at president Ramon S. Ang sa tiwala na ibinigay sa kanya sa kabila ng paglabas ng season na nabahiran ng mga pinsala.
“Laking pasasalamat ko kina Boss RSA at kay Boss Al (Chua) sa patuloy na pagtitiwala nila sa akin lalo na at galing ako sa injury last season,” ani ng 31-year-old na si Romeo.
Nanatiling nakabinbin ang kanyang pagsasama sa 12-man roster ng Gilas Pilipinas na sasabak sa Hangzhou Asian Games.JC