Home NATIONWIDE TESDA training sa rehabilitated drug dependents isinusulong sa Senado

TESDA training sa rehabilitated drug dependents isinusulong sa Senado

266
0

MANILA, Philippines – Isinusulong sa Senado ang panukalang magsagawa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng technical-vocational education and training at livelihood programs sa mga drug dependents na nakatapos na sa rehabilitasyon.

Sa ilalim ng Senate Bill 2276 ni Senador Jinggoy Estrada, magbibigay ito ng holistic support system sa rehabilitated drug dependents upang manumbalik sila sa lipunan.

Makikipag-ugnayan naman ang TESDA sa
Department of Labor and Employment, sa pagbibigay ng technical-vocational education and training (TVET) at livelihood programs na naka-disenyo para sa rehabilitated drug dependents.

Tututukan naman ng naturang programa ang competitive at employable skills para mas madaling makahanap ng trabaho at pagkakakitaan ang mga ito.

Sa pamamagitan naman ng DOLE, mabibigyan ng insentibo ang mga kompanyang tatanggap ng rehabilitated drug dependents na nakatapos ng TVET at livelihood programs sa ilalim ng panukala.

Ipinaliwanag naman ni Estrada sa panukala na sa 2022 data mula sa Dangerous Drugs Board (DDB), 3,865 katao ang pumasok sa 70 treatment at rehabilitation facilities sa bansa.

Mas mataas ng 43% kumpara sa mga nakaraang taon ang datos na ito ng DDB noong 2022.

“This large percentage of dependents who are willing to undergo treatment and rehabilitation is an optimistic signal that they intend to lead better lives,” ani Estrada.

“It is, therefore, important to sustain the support that is being provided to them and expand its scope to include skills training and productivity enhancement that will prepare them to be self-reliant and qualified for gainful employment,” dagdag ng senador.

Aniya, hindi lamang nito mapabubuti ang kondisyon ng bawat mga pamilya kundi makatutulong din ang mga rehabilitated drug dependent sa pag-unlad ng bansa. RNT/JGC

Previous articlePasay Mayor Emi Cup tulong sa PGAP
Next articleGladys, napagkamalang retokada, natawa!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here