MANILA, Philippines – Inaprubahan ng House of Representatives nitong Lunes, Mayo 15, ang panukalang nagbibigay mandato sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa institutionalization ng technical-vocational education and training (TVET) at livelihood programs na nakadisenyo para sa mga dating drug dependents na sumailalim sa rehabilitation.
Sa ilalim ng House Bill (HB) 7721, na naipasa sa 260 boto, layon nitong tulungan ang mga dating drug dependents na maging self-reliant, produktibo at employable sa pamamagitan ng TVET at livelihood programs na nakatutok sa competitive at employable skills.
Layon din nito na maibalik ang kumpiyansa ng mga ito at mapahusay pa ang mga kakayanan nila upang makapamuhay ng maayos.
“Many of our citizens who have fallen victim to illegal drugs and have successfully undergone rehabilitation find it very difficult to reintegrate into society as productive citizens not only because of the stigma but also due to the lack of skills needed to land a job,” pahayag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
“This measure aims to help them become our partners in nation-building by contributing to the betterment of our country through self-reliance, productivity, and being employed in our industries.”
Sa ilalim ng panukala, binibigyang mandato nito ang Director General ng TESDA na kagyat isama sa programa at badyet ng ahensya ang disenyo at implementasyon ng TVET at livelihood programs para sa mga dating drug dependents na sumailalim sa rehabilitasyon.
Inaatasan din nito ang TESDA, sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment (DOLE), na bigyan ang rehabilitated drug dependents ng competitive at employable skills na magbibigay sa kanila ng pagkakataon na makapagtrabaho at hanapbuhay.
Pagpapatuloy, nagbibigay mandato rin ang HB 7721 sa DOLE na magbigay ng insentibo sa mga kompanya na tatanggap sa rehabilitated drug dependents na sumailalim sa TVET at livelihood programs sa ilalim ng panukalang ito. RNT/JGC