Home NATIONWIDE Testing ng pagboto ikakasa ng Comelec sa 15 mall

Testing ng pagboto ikakasa ng Comelec sa 15 mall

246
0

MANILA, Philippines – Nakatakdang magsagawa ng pilot test ng mall voting para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang Commission on Elections (Comelec) sa 15 mall sa buong bansa.

Ang mga piling malls ay ang Metro Manila, Region IV-A, Region V at Region VII.

“The Education and Information Department will provide the public of the details regarding the selected malls and other relevant data for mall voting once it has been finalized,”sabi ng Comelec.

Sinabi ng Comelec na sa pamamagitan ng mga pagsisikap na ito, ang mga botante mula sa mga piling clustered precincts ng mga piling barangay na malapit sa partner malls ay dapat lumahok sa mall voting.

Noong Enero, sinabi ng Comelec na magsasagawa ito ng pilot run ng mall voting sa limang Metro Manila malls— SM Manila, Robinsons Manila, Robinsons Magnolia at dalawang iba pa.

Binanggit nito ang mga pakinabang ng paggamit ng mga mall bilang voting sites sa halip na mga silid-aralan, kabilang ang seguridad, pag-iwas sa pamamahagi ng mga sample na balota, at pag-iingat ng mga kagamitan sa paaralan.

Paulit-ulit na naipagpaliban ang BSKE simula 2016 .Noong Oktubre, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang batas na na nagpapaliban sa December 2022 elections at gawin ito ng huling Lunes ng Oktubre 2023. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePope Francis bumuti na kondisyon matapos operahan
Next articleNagbenta ng nakaw na motor tiklo sa QC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here