Home NATIONWIDE Testing ng surface-to-sea missile binantayan ni Kim Jong Un

Testing ng surface-to-sea missile binantayan ni Kim Jong Un

NORTH KOREA – Mismong si North Korean leader Kim Jong Un ang nagbantay sa testing ng bagong surface-to-sea missile nitong Miyerkules, Pebrero 14 kasabay ng pagbisita sa isang major munitions factory.

Sa nasabing araw ay naglunsad ang North Korea ng multiple cruise missiles sa east coast nito.

Ani Kim, nilalabag ng South Korea ang soberanya ng North Korea sa paggigiit sa “Northern Limit Line” (NLL), ang maritime demarcation line sa pagitan ng dalawang Korea.

Dahil dito ay inatasan ng North Korean leader ang militar na palakasin ang kahandaan nito sa katubigan hilaga ng Yeonpyeong Island at sa kanluran ng Korean peninsula, sinabi pa ng KCNA.

“It is not important how many lines exist in the West Sea of Korea… when the enemy intrudes into the maritime border recognized by us, we will regard it as an encroachment upon the sovereignty of the DPRK and an armed provocation against it,” ani Kim.

Ang bagong missile ay isang Padasuri-6, o “Sea Eagle-6,” na lumipad sa ibabaw ng dagat at tinamaan ang target nito.

Sa pagbisita ng lider sa factory, sinabi niya na mahalaga ang papel nito upang palakasin ang armed forces ng North Korea.

Ang pagbisita ni Kim sa munitions factory ay kasunod ng pag-aakusa ng Estados Unidos at mga ka-alyado nito na ang North Korea ay nakikipagpalitan ng mga armas sa Russia. RNT/JGC

Previous articleQueenay Mercado, pasado sa acting!
Next articleMisis pinagtataga ng asawa sa selos