Home OPINION TESTINGIN ULIT SA DROGA SI HEPE

TESTINGIN ULIT SA DROGA SI HEPE

110
0

SINASABI ni ex-Mandaluyong City Police chief P/Col Cesar Gerente na negatibo siya sa drug test na isinagawa sa kanyan ng National Bureau of Investigation at Philippine Drug Enforcement Agency.

Taliwas ito sa resulta ng surprise drug test ng Philippine National Police na isinagawa para sa lahat ng 497 Mandaluyong police.
Humiling umano siya ng panibagong test sa PNP subalit hindi siya pinagbigyan dahil pareho lang umano ang magiging resulta.

Paliwanag ni kernel, maaaring nagmula ang animo’y droga mula sa kanyang maintenance medicine sa sugar o mula sa exposure niya sa mga droga bilang pulis.

Kung ano ang totoo, nais nating malaman para sa buong katotohanan.

Kaugnay nito, maaari bang maglabas mismo ang NBI at PDEA ng resulta ng drug test nila kay Gerente?

Hindi kasi sapat na si Gerente lang ang nagsasabing negatibo siya sa NBI at PDEA at hindi katulad sa naunang kaso na mismong PNP ang nag-anunsyo ng resulta ng drug test sa kanya.

Kung sakaling lalabas na negatibo siya, pinakamagandang ituwid ng PNP ang lahat, hindi lang sa ranggo at posisyon kundi sa kanyang dangal bilang isang tao at mamamayan.

IPA-CONFIRMATORY TEST ANG IBA

Sakaling totoo ang inihahayag ni Gerente, magandang isalang din sa pagsusuri sa NBI at PDEA ang lahat ng pulis na idinideklara ng PNP na positibo sa droga, kasama na ang 24 na inilabas ng PNP sa drug test sa 115,000 pulis.

Ito’y para sa katotohanan at pagtiyak na may basehan talaga ang paglilinis sa hanay ng pulisya.

Ngunit hindi lang naman sa droga nababatay ang sukatan sa pagkakasangkot o hindi sa krimen ng mga pulis para sa police cleansing.

Kapag isinama ang kotong sa Pasko, kalsada, vendor at punerarya, hulidap, kidnap-for-ransom, carnapping, rape, imoralidad, korapsyon at iba pa, sino-sino kaya ang maliligtas sa crime test?”

Previous articlePONDO NG NTF-ELCAC PWEDENG BUSISIIN 
Next articleHabagat magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here