MANILA, Philippines – Nakakalap na ng sapat na ebidensya ang mga awtoridad para ideklarang terorista si suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” A. Teves Jr., ayon kay Department of Justice (DOJ) Undersecretary Jose Dominic F. Clavano IV nitong Biyernes, Mayo 19.
Sa panayam ng CNN Philippines, sinabi ni Clavano na ang mga nakalap na ebidensa ay ipapasa sa Anti-Terrorism Council (ATC) upang sumuporta sa rekomendasyon ni Justice Secretary Jesus Crispin C. Remula laban kay Teves.
Matatandaang inirekomenda ni Remulla na ideklarang terorista si Teves sa ilalim ng
Republic Act No. 11479, o ang Anti-Terrorism Act of 2020.
“The ATC’s technical working group (TWG) is set to meet again to discuss the matter,” ani Clavano.
“We can expect in this next TWG meeting, we would be able to see the progress of the evidence gathering and the case build up by the law enforcement agencies,” dagdag niya.
Sinabi pa na ang National Bureau of Investigation ay mayroong “other sources that told them about other incidents which were not even filed in court or with the prosecutor and started to dig on the other incidents.”
Advertisement