Home HOME BANNER STORY Teves Jr. kinasuhan ng murder ng DOJ

Teves Jr. kinasuhan ng murder ng DOJ

MANILA, Philippines – Sinampahan na ng Department of Justice ng tatlong bilang ng kasong murder si suspended Representative Arnolfo Teves Jr.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na naisampa kahapon, Agosto 15 sa Negros Oriental Regional Trial Court ang kasong murder laban kay Teves Jr. kaugnay sa pagpaslang sa isang board member ng Negros Oriental.

Aniya, plano ng DOJ na maghahain ng mosyon sa mababang korte upang mailipat sa korte sa Maynila ang venue ng pagdinig.

Bukod kay Teves, kabilang din sa mga akusado sína Hannah Mae Sumerano, Richard Cuadra alyas Boy Cuadra, Jasper Tanasan o Bobong, Alex Mayagma, Rolando Pinili, at Gemuel Hobro.

Nag-ugat ang kaso laban sa kampo ni Teves dahil sa insidente nang pagpaslang noong 2019 sa mga biktimang sina Michael Dungog, dating board member ng Third District ng Negros Oriental; Lester Bato, bodyguard ng kandidato sa pagka-alkalde sa Negros Oriental at Pacito Libron, isang hitman na konektado kay Teves. Teresa Tavares

Previous articleSouth Luzon, VisMin uulanin sa habagat
Next articlePamilya ng nawawalang sabungero inalok ng blood money – Remulla