MANILA, Philippines – Protektado ng ilang warlords sa isang bansa sa South East Asia si dating Negros Oriental Third District Representative Arnolfo Teves Jr.
Ito ang nakarating na impormasyon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla batay sa patuloy na monitoring hinggil sa kinaroroonan ng dating kongresista.
Ayon kay Remulla, nananatili sa naturang bansa sa Asya si Teves at nasa pangangalaga umano ng ilang local warlords.
Isinasapinal na rin aniya ng DOJ ang liham na isusumite sa United Nations upang makuha ang tulong ng mga miyembrong bansa ng UN para matunton na ang kinaroroonan ni Teves.
“We are just collating the documents and finalizing the print sa ating letter to the United Nations informing them of the warrant of arrest against the known terrorist, designated terrorist and we consider it our duty to inform the United Nations so the United Nations may as well do its duty of informing all the member states about the duty of rendition to arrest Arnie Teves and company and to bring them back to the Philippines for trial,” ani Remulla. Teresa Tavares