Home NATIONWIDE Teves sisiguruhing ligtas ng pamahalaan – DOJ

Teves sisiguruhing ligtas ng pamahalaan – DOJ

MANILA, Philippines – Sisiguruhin ng pamahalaan ang kaligtasan ni dating Negros Oriental representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. para maharap niya ang mga kasong isinampa laban sa kanya dito sa Pilipinas, sinabi ni Justice spokesperson Mico Clavano nitong Biyernes, Marso 22.

“The priority will be ‘yung safety and security ni Ginoong Teves,” ani Clavano sa isang ambush interview.

Si Teves na itinuturong mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental governor Roel Degamo, ay inaresto nitong Huwebes habang naglalaro ng golf sa Timor-Leste.

Sa oras na maibalik sa bansa, mahaharap si Teves sa kasong murder, frustrated murder, at attempted murder dahil sa pagpatay kay Degamo at iba pa noong Marso 4, 2023.

Bukod sa pagpatay kay Degamo, sinampahan din ng reklamo si Teves at iba pa sa pagkamatay ng tatlong indibidwal sa Negros Oriental noong 2019.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang legal counsel ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio tungkol sa pag-aresto.

“I’m not in the (Philippines) and the details I have are still sketchy. I will have to reserve my comments for now,” ani Topacio.

Samantala, nagpapatuloy ang manhunt operations laban sa mga kasamahan ni Teves.

“Dahil meron pa rin, kagaya ng sinabi ninyo, meron pa rin at-large na mga respondents dito sa kaso na ito. And for us to be able to paint a clear picture, a complete picture, kailangan makuha natin sila lahat,” ani Clavano. RNT/JGC

Previous articleMahigit 1K PUVs binigyan ng special permit sa Holy Week 2024 – LTFRB
Next article1.7M pasahero inaasahang daragsa sa PITX sa Semana Santa