MANILA, Philippines – Hindi kumbinsido ang biyuda ng napatay na si Negros Oriental Governor Roel Degamo na si Pamplona Mayor Janice Degamo na may banta nga sa buhay ng mambabatas na si Arnolfo Teves Jr.
Si Teves ang itinuturong mastermind sa pagkamatay ni Degamo.
“Paranoid because ang dami niyang pinapatay eh. Pinapatay niya hindi lang si governor and 10 others. There are others that when the governor was still alive have become victims of Congressman Arnie Teves,” pagbabahagi ni Degamo sa panayam ng CNN Philippines.
“Kasi kung ano yung ginawa natin, babalik din kasi sa atin ‘yan. Baka yun ang fear niya,” dagdag pa niya.
Ipinunto rin ng alkalde na maging si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay siniguro na ang kaligtasan ni Teves ngunit hindi pa rin ito umuuwi.
Bilang tugon, hinamon pa ng kampo ni Teves si Degamo na magpakita ng ebidensya laban sa mga paratang.
“Ipadala mo yung abogado mo sa DOJ (Department of Justice), mag-file siya ng sinasabi mong pinapatay ni Cong. Arnie Teves. Malakas lang ang loob mo dahil kampi sa’yo ang Secretary of Justice,” paghahamon naman ng abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio said.
“If I killed so many people, you prove it. Prove it please. Don’t say things you cannot prove. I never say things I cannot prove,” tugon naman ni Teves sa isang panayam.
“Definitely, there will be cases that will be filed. More than the cases that you will be facing with what happened to the governor,” sagot ni Degamo.
Matatandaang naghain na ang National Bureau of Immigration ng murder complaints laban kay Teves dahil sa pagpatay sa gobernador noong Marso.
Ani Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, naghain si Teves ng political asylum sa Timor-Leste ngunit tinanggihan ng nasabing bansa. RNT/JGC