Home ENTERTAINMENT “The Other Side” in Manila ni Mark Tuan, dinumog ng mga fans!

“The Other Side” in Manila ni Mark Tuan, dinumog ng mga fans!

MANILA, Philippines – Sinulit ng mga fans ng GOT7 member na si Mark Tuan ang kanyang pagbisita at pagdaraos ng concert dito sa Pilipinas.

Nitong Linggo, Enero 14, ay ginanap sa SM Skydome ang “The Other Side” Asian Tour ni Mark Tuan. Ito ay ipinresenta dito sa Pilipinas ng PULP Live World.

Talagang nasulit ng Filipino Ahgase ang oras na narito sa bansa ang GOT7 member dahil bago pa ang aktwal na concert ay nagkaroon pa siya ng special fansign event sa Novotel Manila para sa ticket raffle winners.

Sa mismong araw naman, bago ang aktwal na concert, ay nagkaroon ng photo fan activity at Soundcheck Event si Mark Tuan para sa mga fans.

At the actual concert event, napuno ng green lightsticks ang Skydome kasabay ng pag-awit ni Mark Tuan ng kanyang mga awitin.

Sinimulan ito ni Mark Tuan sa kanyang awiting “After Hours,” at kabilang din sa iba pa niyang performances ay ang “Save Me,” “Faraway,” at “imysm” na kanyang ending song.

Ilan sa mga nakakatuwang eksena sa concert ay ang pang-aasar ng mga fans kay Mark Tuan sa kanyang hawak na baso, sabay-sigaw ng “Shot puno!”

Game na game naman ito nang lagukin ng tuloy-tuloy ang laman ng baso na hawak niya.

Kung babalikan, naging trending ang salitang “Shot Puno” noong 2022 nang ikomento ito ni GOT7 member BamBam sa isang fan sa Twitter.

Sa pagtatapos ng concert, pinanood ni Mark Tuan ang fan video na alay para sa kanya. Dahil dito, sinabi niya na umaasa siyang makababalik ulit ng Pilipinas at dadalhin pa ang mga ka-grupo (ang GOT7) sa mga susunod na panahon.

“We’re still GOT7. Hopefully, one day, we can come back and visit you guys,” aniya.

Naging full of energy rin ang concert na ito dahil sa kanyang mga dancer at banda na ipinakilala niya sa mga fans sa simula pa lamang ng concert.

Pagkatapos ng show ay nagkaroon pa si Mark Tuan ng Goodbye Session Fan Activity sa mga fans. RNT/JGC

Previous articleICC investigators minomonitor ng PNP kung nasa Pinas na
Next articleZubiri pabor sa pagrebyu ng economic provisions ng 1987 Constitution sa pangunguna ng Senado