MANILA, Philippines- Inilabas ng Presidential Communications Office ang libreng pahayagan nitong “The Philippine Gazette,” na sasaklaw sa mga proyekto ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Inihayag ng Palasyo na pinangunahan ng Bureau of Communications Services ang proyekto. Ipalalabas ang unang isyu nito sa Miyerkules.
Sinabi rin nito na magiging available ang pahayagan sa Recto, Cubao, at Santolan stations ng LRT-2, Tutuban station ng PNR, Manila North Harbor Terminal, AT Victory Liner Terminal SA Pasay.
Buwanan itong ilalabas, ayon kay Press Secretary Cheloy Garafil. RNT/SA