Home HOME BANNER STORY Tibay, paninindigan sa Gaza ni Jimmy Pacheco, pinuri ni Tolentino

Tibay, paninindigan sa Gaza ni Jimmy Pacheco, pinuri ni Tolentino

MANILA, Philippines- Pinuri ni Senator Francis “Tol” Tolentino si Jimmy Pacheco, ang Overseas Filipino Worker (OFW), na nakaligtas sa hostage-taking sa Gaza at matagumpay na nakabalik sa kanyang bayan sa Sta. Ana, Cagayan Valley.

Sa kanyang lingguhang programa sa DZRH, sinabi ni Tolentino ka Pacheco: “Nagpapakita talaga ito ng iyong tibay at paninindigan, pati na rin ng ating mga kababayan.”

Si Pacheco na nagtrabaho bilang isang caregiver sa Israel, ay nagdetalye ng kanyang nakatatakot na karanasan tulad ng pagkain ng tissue paper para lamang mabuhay, pagsaksi sa pagkamatay ng kanyang 80 taong gulang na pasyente at pagdanas ng torture.

“Binugbog ako, tinutukan ng baril, pinaluhod, tapos biningi nila iyong tenga ko,” ayon sa OFW.

Nang marinig ang mga kuwento ni Pacheco, sinabi ni Sen. Tol na sa kabila ng survival, mayroon pa ring trauma siyang dapat na lampasan.

“Dito makikita ang kabayanihan mo, pagmamahal sa pamilya, kaya saludo kami sa pinagdaanan mo. Alam kong matagal pa ‘yang di maaalis sa iyong kaisipan,” anang senador kay Pacheco.

Dahil dito, iminungkahi ni Tolentino na maglaan ng mas maraming standby fund sa mga OFW na pupunta sa mga delikadong lugar.

“Di lang repatriation, kundi hanggang sa makabalik sa normal na buhay. Maayudahan sila na makapagtayo ng negosyo nang sa ganoon ay di muna umalis,” idiniin ng senador. RNT

Previous articleBiyudong nanalo sa sabong kinatay sa talyer!
Next articlePinas ‘di nanggugulo sa S. China Sea – AFP