Tierra de Maria sa Tagaytay after quarantine? G!

Tierra de Maria sa Tagaytay after quarantine? G!

April 27, 2020 @ 2:50 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Marami ang nagsasabi na una nilang pupuntahan ang simbahan oras na makaraos sa coronavirus disease.

Ito anila ay pagbibigay daan para pasalamatan ang Poong Maykapal sa lahat ng biyaya sa kabila ng unos na dinanas.

Isa ang Tierra de Maria sa Tagaytay na pinupuntahan ng mga turista at destinasyon din ng mga nagsasagawa ng field trip.

Bonus pa ang taas nito ang mayamang tanawin ng Bulkang Taal at dagdag pa rito ang pagiging tahimik at payapa ng lugar.

Kung galing kang Maynila, sumakay lamang ng bus na biyaheng Dasma at bumaba sa Olivarez terminal.

Sa pila ng jeep, hanapin ang sign board na People’s park at sabihing ibaba sa Manaoag.

Nagkakahalaga lamang ng P11 ang pamasahe hanggang sa simbahan.

Kaya isama na sa to-go list ang Tierra de Maria para sa relaxing at stress free na pagbangon sa COVID-19. Remate News Team/FGDC

Share

Leave a Reply

Loading...