Home OPINION TIGIL-MINA SA SIBUYAN KADUDA-DUDA

TIGIL-MINA SA SIBUYAN KADUDA-DUDA

4253
0

SA ngayon, tigil-operasyon muna ang Altai Philippine Mining Corp. sa pagmimina ng nickel ore sa Sibuyan Island sa bayan ng San Fernando, Romblon. Tagumpay ang pagbabarikada ng mga tao ng kanilang mga sarili para makuha ang atensiyon ng media tungkol sa mga seryosong pinangangambahan ng mga residente ng isla at ng environmentalists.

Ang pansamantalang paghintong ito, gayunman, ay hindi resulta ng isang aksiyong legal o parusang ipinataw ng gobyerno, kaya non-binding ito. Pumayag lang ang Altai na itigil ang pagmimina hanggang sa maresolba ng kumpanya ang tatlong paglabag na natukoy ng mga awtoridad laban dito.

Para sa APMC, isa lamang itong mumunting balakid sa 25-taong operation plan nitong magmina sa lugar. Kahit pa tama ang mga nagpoprotesta sa iginigiit nilang iligal ang operasyon ng kumpanya, mistulang walang ginagawang anoman ang Department of Environment and Natural Resources upang maipasara ang minahan.

Sakaling sa huli ay magtagumpay pa rin ang Altai, ang nakakabahala ay kung paanong ipinamalas ng gobyerno kung gaano ito kainutil sa pagpapatupad ng mga batas na layuning protektahan ang kalikasan at ang mga komunidad na may kapaki-pakinabang na likas yaman.

Maliwanag na wala tayong natutunan mula sa Marcopper disaster para igiit ang higit pa sa minimum compliance mula sa kasalukuyang mga kumpanya ng minahan.

                                                                                       Tuloy ang bullying

Balik na naman ang China sa mga para-paraang bullying nito sa West Philippine Sea. Sa pagkakataong ito, gamit nito ang dalawang barko ng coast guard at dalawa pang maritime militia vessels nito upang hamunin ang pasensiya ng sarili nating barko, ang BRP Andres Bonifacio (PS-17), malapit sa Panganiban Reef.

g nangyari sa ating karagatan ay direktang sumisimbolo sa doble-karang diplomasya ni President Xi Jinping sa Pilipinas.

Napakarami, napakadalas, masyado nang garapalan, sobra nang agresibo, at grabe na ang pang-aapi at pag-aangkin ng teritoryo ang ginagawa ng mga barko ng China sa WPS, kaya dumating sa puntong nawalan na ng pagkakakitaan ang ating mga mangingisda habang tinatapak-tapakan na ang karapatan natin sa soberanya sa hangganan ng ating mga karagatan.

Ngayon, napilitang ikonsidera ang opsiyon nang pagsasagawa ng joint coast guard patrols kasama ang ating matagal nang kaalyado sa depensa – ang Amerika. Marahil hindi gusto ng China na mangyari ito; pero sigurado namang ito ang hinihiling nila.

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Previous articlePhilHealth, stakeholders sanib-pwersa para sa pagpapabuti ng serbisyo-Ledesma
Next articleMost wanted ng Malabon, nasakote sa QC