Home HOME BANNER STORY TIGNAN: Kilos-protesta ng iba’t ibang grupo sa Maynila vs PUV modernization

TIGNAN: Kilos-protesta ng iba’t ibang grupo sa Maynila vs PUV modernization

MANILA, Philippines – Nagtipon-tipon sa Mendiola, Maynila ang iba’t ibang grupo na tutol sa PUV modernization program ng pamahalaan kasabay ng tigil-pasada na nagpapatuloy ngayong araw, Nobyembre 22.

Kabilang dito ang grupong PISTON at Manibela na sabay-sabay nagmartsa mula Welcome Rotonda patungo sa Mendiola.

Giit ng mga nagpoprotesta, palpak at pahirap ang PUV modernization program lalo na’t hindi kakayanin ng mga drayber at operator ang pagkuha ng bagong unit ng modern jeepney.

Kasabay nito, nais ipabasura ng mga drayber ang pagpapatupad ng program maging ang deadline para sa franchise consolidation. RNT

Previous articleContractor ng itinatayong Gusali ng Senado, kinasuhan ng Tax Evasion sa DOJ
Next article2 Amerikanong pedophile na dumating sa Cebu, hinarang ng BI