Home NATIONWIDE TikTok ban, sa mga gadget lang na konektado sa military network –...

TikTok ban, sa mga gadget lang na konektado sa military network – AFP

MANILA, Philippines – Maaari pa ring makagamit ng social media app na TikTok ang mga military personnel gamit ang kanilang personal devices basta’t ito ay hindi konektado sa military network at hindi sila maglalabas ng mga content na magkokompromiso sa seguridad ng kampo, sinabi ng
Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Linggo, Pebrero 18.

Ang paglilinaw na ito ni AFP spokesperson Colonel Francel Padilla ay kasunod ng balita na pinagbawalan sa paggamit ng TikTok sa kanilang work at personal phones ang mga militar dahil sa cybersecurity risks.

“Just for a point of clarification: ang binabawal natin is specifically those that are connected to the military network. ‘Yung sa personal nila, of course that’s their personal [device], syempre inkling nila ‘yun, choice nila ‘yun,” sinabi ni Padilla sa panayam ng DZBB.

“Sa kanila ‘yun [that’s theirs] but of course they have to do the side of caution that they have to carry themselves in a manner that when they do TikTok, siempre as officers and gentlemen and ladies… That’s what we remind them,” dagdag pa ni Padilla.

Iimbestigahan at posibleng maparusahan ang mga tauhan na susuway sa direktiba.

Sa kabila nito, iginiit niya na hindi bago ang direktiba dahil ipinatutupad na ito sa AFP noon pang 2021.

Naunang ipinunto ni Padilla na ang TikTok at iba pang libreng apps ay nanghihingi ng access sa phone features katulad ng camera, microphone, at mga messages kahit na wala naman itong kinalaman sa paggagamitan.

Ibinabala niya na ang mga app na ito, “have the capability to turn on our microphones, to look at us and watch us while we sleep and turn on our cameras, access our SMS sent messages to our contacts because we gave them permission when we downloaded these applications.” RNT/JGC

Previous articleMga kanseladong flight ngayong araw, Pebrero 18
Next articleAdik timbog sa Las Piñas drug ops