Home NATIONWIDE TikTok ipinagbawal ng AFP sa mga sundalo – spox

TikTok ipinagbawal ng AFP sa mga sundalo – spox

MANILA, Philippines- Ipinagbawal na sa military personnel ang paggamit ng popular na social media app TikTok dahil sa cybersecurity risks, base sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sinabi ni AFP spokesperson Police Colonel Francel Padilla sa isang panayam na saklaw ng ban ang work at personal phones ng military personnel.

“Sa AFP, banned na po siya. So we are not allowed to use TikTok. For one, because it’s an application made by China but is not used by China. So that in itself, we say go figure,” aniya.

“We have a directive that we are not allowed to use TikTok. So we follow it to the letter,” dagdag ni Padilla.

Binanggit ni Padilla na humihingi ng access ang TikTok at iba pang free apps sa users ng phone features tulad ng camera, microphone, at messages kahit na walang kinalaman dito ang serbisyo ng mga ito

“Not just Tiktok, but the free apps that we have in our gadgets, they have the capability to turn on our microphones, to look at us and watch us while we sleep and turn on our cameras, access our SMS sent messages to our contacts because we gave them permission when we downloaded these applications,” giit ng opisyal.

Noong Setyembre 2023, sinabi ng National Security Council (NSC) na binubusisi nito ang posibilidad ng pagbabawal ng TikTok sa uniformed personnel ng pamahalaan upang maiwasan ang “data leak.”

Nauna nang inanunsyo ng ilang bansa tulad ng United States, India, at Canada ang pag-ban sa TikTok, na pagmamay-ari ng Chinese company, sa government phones at state workers sa gitna ng pangambang ginagamit ang aplikasyon upang makakuha ng sensitibong impormasyon ang Chinese government. RNT/SA

Previous articleKapayapaan sa Mindanao inihirit ni PBBM sa gov’t agencies – PAOCC
Next articleWithdrawal form ng Comelec sa pekeng PI, kinuwestiyon sa Senado