Home NATIONWIDE Tiktok pinagmulta ng Italya ng $11M sa bigong proteksyon sa menor de...

Tiktok pinagmulta ng Italya ng $11M sa bigong proteksyon sa menor de edad

Pinagmulta ng competition authority ng Italy  ang TikTok ng 10 milyong euros (halos $11 milyon), na nagsasabing nabigo ang sikat na video app na maprotektahan nang sapat ang mga menor de edad.

“The company has failed to implement appropriate mechanisms to monitor content published on the platform, particularly those that may threaten the safety of minors and vulnerable individuals,” sabi ng AGCM watchdog sa isang pahayag.

“Moreover, this content is systematically re-proposed to users as a result of their algorithmic profiling, stimulating an ever-increasing use of the social network.”

Ipinataw ang mukta sa tatlong unit ng Bytedance group ng China, katulad ng TikTok Technology ng Ireland, TikTok Information Technologies UK at TikTok Italy.

Sinabi ng watchdog na hindi ganap na sumunod sa mga alituntunin ang TikTok sa mga ini-advertise nito upang tiyakin sa mga mamimili na ang app ay isang “ligtas” na espasyo.

“In fact, the guidelines are applied without adequately accounting for the specific vulnerability of adolescents, characterised by peculiar cognitive mechanisms from which derive, for instance, the difficulty in distinguishing reality from fiction and the tendency to emulate group behaviour,” sabi sa pahayag.

Idinagdag pa na ang potensyal na panganib na content ay na-promote sa pamamagitan TikTok’s recommendation system.

Itinampok nito ang “French scar challenge”, kung saan kinurot ng mga bata ang kanilang mga pisngi nang marahas upang lumikha ng mga pasa, isang hindi pangkaraniwang bagay na ipinaliwanag ng maraming mga tutorial sa TikTok na nagdulot ng pagkabahala sa sektor ng edukasyon at kalusugan

Sumikat ang short-video app sa buong mundo, ngunit ang pagmamay-ari nito ng Chinese tech na higanteng ByteDance — at di-umano’y pagsunod sa naghaharing Communist Party ng Beijing — ay nagdulot ng pagkabahala sa Western capitals.

Nitong Miyerkules, ang US House of Representatives ay inaprubahan ang isang panukalang batas na magpipilit sa TikTok na umalis mula sa pangunahing kumpanya nito o maharap sa nationwide ban.

Nang maglunsad ang watchdog competition ng inbestigasyon sa TikTok tungkol sa mapanganib na nilalaman noong isang taon, iginiit ng kumpanya na nangangailangan ito ng “dagdag na pangangalaga upang maprotektahan ang mga tinedyer”. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleVice, di nakapalag kay Darren!
Next articleNamfrel sa Comelec: Vote receipts sa 2025 poll dapat isapubliko