Home NATIONWIDE Timeline sa pagsusulong ng Cha-cha via peoples’ initiative, ibinuko sa Senado

Timeline sa pagsusulong ng Cha-cha via peoples’ initiative, ibinuko sa Senado

MANILA, Philippines – Ibinulgar sa Senado ang detalyadong timeline hinggil sa hinihinalang plano na isulong ang 1987 Constitution, kabilang ang espisipikong petsa kung kailangan ihahanda ng Commission on Elections (Comelec) sa plebiscite.

Sa panayam, sinabi ni Senador Imee Marcos na una siyang nakatanggap ng hindi kilalang text message bago mag-Pasko na ibinigay ang buong detalye ng timeline, na ayon kay Marcos sa panayam ng CNN Philippines, ay tinawag na “Project PI.”

“It was fairly detailed, Project PI ang tawag. Timeline, major activities 15 December to 3 January prepare petition, print proposition, and signature sheets. Detalyado siya hanggang darating sa February, pag dumating sa February 12 hanggang sa 10 March verify signatures, 11 March and so on,” aniya.

Sinabi ng mambabatas na kasama sa detalye ang eksaktong petsa para sa pagpupulong ng Comelec en banc sessions at pagsisimula ng plebisito sa Abril 9. Nakatakda ang sinasabing plebisito sa Hunyo 17 na pagtitibayin at aaprubahan ng Comelec sa Hulyo 8.

Base naman sa nakalap na impormasyon, sinabi ng Kabataan Party-list na natuklasan din nila ang katulad na timeline, partikular sa pagsasagawa ng plebisito sa Huny 17 at plebiscite at certification of the approval ng panukalang majority of votes cast sa Hulyo 8.

Ayon kay Marcos, nakatanggap din siya ng hiwalay na text message mula sa isang source sa Kongreso matapos ang Bagong Taon na nagsasabing nabigyan ang bawat district congressman at city mayor ng P20 milyon kapalit ng 20,000 lagda na ibibigay sa Enero 13.

Naghain ng resolusyon si Marcos na humihiling na iimbestigahan ng Senado ang naturang panunuhol sa pangangalap ng lagda.

Iniaalok ang P20 milyon sa local leaders upang mangolekta ng lagda na kailangan sa pagsusulong ng charter change sa pamamagitan ng peoples’ initiative.

Susuportahan nito ang bagong probisyon sa Saligang Batas na papayagan na magkasanib na bomoto ang Mababang Kapulungan at Senado, sa halip na hiwalay alinsunod sa umiiral na Saligang Batas, sa pag-amyenda sa Karta.

Inamin ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin Jr. na nagsimula nang kumalap ng lagda ang halos lahat ng municipal mayors sa lalawigan ng Albay ngunit pinabulaanan ang alegasyon ng vote-buying.

Mawawalan ng saysay ang bilang ng Senado kapag nagkaroon ng magkasanib na botohan sa pag-amyenda sa Saligang Batas dahil 24 lamang ang senador kumpara sa 300 na kongresista.

Itinuring nitong “absurd” o hindi makatotohanan dahil mas maraming bagay na dapat pagtuunan ng gobyerno.

Binatikos din niya ang dagdag na P14 bilyon sa 2024 badyet ng Comelec na itinuturing nitong “cash-unduan.”

Aniya, naglaan ang Kongreso ng naturang halaga para sa pagpapatayo ng bagong tanggapan at itaas ang sahod ng poll body.

“Wala namang binabanggit na charter change. I’m really puzzled because I wasn’t privy to the bicam. Truth be told, I haven’t been attending the bicam because they are like two-minute photo ops, there’s no real debate conducted,” aniya. Ernie Reyes

Previous articlePH, Germany magtutulungan sa pagkuha ng skilled Pinoy workers – DMW
Next article2 akusado sa iligal na droga inabswelto ng SC, kapalpakan ng pulisya pinuna ng Korte