Home NATIONWIDE Tinaguriang Marcos dummies wagi na naman sa Sandiganbayan

Tinaguriang Marcos dummies wagi na naman sa Sandiganbayan

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Sandiganbayan ang mga kaso laban sa mga dummies umano ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr. kaugnay sa Civil Case No. 0010 o ang P2.4 billion ill-gotten wealth case laban kay Marcos, dating first lady Imelda, brother-in-law, Alfredo “Bejo” Romualdez at kanilang mga associates.

Sa 18 pahinang resolusyon ng Sandiganbayan Fourth Division, bigo ang prosekusyon na patunayan ang alegasyon nito laban kina Olympio Bermudez, Geronimo Velasco, at Emilio Yap.

Isinampa ang kaso taon 1987 ng Presidential Commission on Good Governance (PCGG) bunsod ng mga properties na pag-aari ng Bataan Shipyard and Engineering Company, Inc. (BASECO) at subsidiaries nito.

Nakasaad sa amended/expanded complaint na sina Bermudez, Velasco, at Yap ay nagsilbing dummies, directors, officers, nominees, o agents para sa mga kumpanyang hawak talaga ng nga Marcos at ni Romualdez, kasama ang BASECO, Philippine Jai Alai Corp., at Manila International Ports Terminal, Inc.

Dalawa lamang ang iprinisintang testigo ng pamahalaan. Sina Maria Lourdes Magno at Antonio Rolando Eduarte na mga records custodians ng PCGG at BASECO,

Ayon sa anti-graft court, hindi sapat ang testimonya nina Magno at Eduarte para mapatunayan ang mga akusasyon sa Amended Complaint.

Magugunita na hindi rin dati tinangap ng Sandiganbayan ang karamihan ng ebidensya ng plaintiff matapos hindi makatugon sa Original Document Rule dahil pawang photocopies ang mga iprinisinta habang ang ibang dokumento na inadmit sa Korte ay mahina at hindi napatunayan na sistematikong plinano ng mga Marcos at ni Romualdez ang lahat para iligal na magpayaman. TERESA TAVARES

Previous articleTeam ng Pinas, pinuri para sa “collaborative approach
Next articlePinakalat na floating barriers sa Masinloc pinagtanggol ng Tsina