Home METRO Tindahan ng imported forklift, sinalakay ng BOC

Tindahan ng imported forklift, sinalakay ng BOC

260
0

MANILA, Philippines- Nagsagawa ng sorpresang inspeksyon ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Intelligence and Investigation Service ang isang kompanya na hinihinalang nagbebenta ng mga ismagel na imported forklifts sa Makati City, Huwebes ng hapon.

Pinangunahan ni Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) Chief Alvin Enciso ang pag-iinspeksyon sa Paragon Trading and Service Corp. bitbit ang inisyung letter of authority mula kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio.

Bago ang nasabing operasyon, nakatanggap umano ng impormasyon sina Enciso na pawang mga “smuggled” ang ibinebentang forklifts na nagmula sa bansang Japan ng Paragon Trading.

Binigyan naman ng 15 araw ng BOC ang may-ari ng nasabing tindahan ng mga forklifts upang makapagsumite ng mga kaukulang dokumento na magpapatunay na hindi iligal ang kanilang mga ibinebenta makaraang mabigo ang mga ito na iprisinta ang mga nasabing dokumento.

Ayon pa sa opisyal, nakatanggap din sila ng impormasyon na matagal na umanong nagpapasok ng imported forklifts ang Paragon Trading at daan-daang milyong piso na ang nawalang buwis dahil sa “technical smuggling.”

Pansamantalang isinara ng mga awtoridad ang nasabing tindahan at muling magbabalik lamang ang kanilang operasyon kapag napatunayan na dumaan sa tama at legal na proseso ang pag-aangkat nila ng mga itinitinda nilang forklifts na tinatayang nagkakahalaga ng P1.5 milyon ang bawat isa. JAY Reyes

Previous articleNawawalang Fil-Am teenager, natagpuang patay sa California
Next articleGarcia sa hirit na drug test sa BSKE candidates: Unconstitutional

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here