Home METRO Tindero ng isda tiklo sa pamamaril ng estudyante

Tindero ng isda tiklo sa pamamaril ng estudyante

280
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang isang 50 anyos na tindero ng isda matapos barilin nito ang 18-anyos na estudyante sa Monkayo, Davao de Oro.

Ayon kay Lt. Col. Jerry Cabag, Monkayo police chief, ang suspek ay kinilalang si
Julieto Cañete Quijada, na inatake ang estudyanteng si Justin Buyose Sister habang naghihintay sa waiting shed kasama ang dalawang babae ring estudyante.

Ani Cabag, wala namang kahit anong diskusyon o initan bago ang pamamaril ngunit nang arestuhin na ang suspek ay doon na ito umamin na may matindi siyang galit laban kay Sister.

Samantala, nagtamo naman ng sugat sa tama ng bala si Sister na agad isinugod sa Davao de Oro Provincial Hospital para sa paunang lunas. RNT/JGC

Previous articleSalt industry nais buhayin sa Kamara
Next articleNo. 4 most wanted nalambat sa Pasay

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here