Home IN PHOTOS TINGNAN: Operasyon ng ilang opisina, biyahe ng tren naantala sa lindol

TINGNAN: Operasyon ng ilang opisina, biyahe ng tren naantala sa lindol

MANILA, Philippines – Pansamantalang naantala ang operasyon ng ilang opisina sa lungsod ng Maynila matapos ang naganap na magnitude 6.2 na lindol na naramdaman sa Metro Manila.

Sa ulat, naitala ang Intesity IV ng lindol sa Quezon City at ilang bahagi ng Metro Manila at karatig-probinsya.

Maliban sa operasyon ng ilang opisina, pansamantala ring itinigil ang biyahe ng LRT-1 at PNR.

Siniguro naman ng Manila City Hall, Department of Justice, Supreme Court, NBI at iba pang ahensya na maayos pa rin ang mga gusali at walang napinsala sa lindol.

Agad din namang pinabalik ang mga empleyado nang masigurong ligtas ang istruktura matapos ang malakas na pagyanig. RNT/JGC

Previous article2 parak dedo sa pamamaril sa Shariff Aguak, Maguindanao
Next articlePBBM kuntento sa pagtugon ng gobyerno sa pag-aalburuto ng Mayon