Home IN PHOTOS TINGNAN: Pinsala ng bagyong #Egay sa Calayan, Cagayan

TINGNAN: Pinsala ng bagyong #Egay sa Calayan, Cagayan

MANILA, Philippines – Matapos ang pananalasa ng bagyong Egay sa mga isla ng Cagayan, lubog sa baha ang ilang barangay sa Calayan Island.

Sa mga larawan mula sa Philippine Information Agency – Region 2, makikita ang pagragasa ng tubig-baha sa Barangay Dibay, Calayan.

Maliban dito, nasira rin ang ilang tirahan matapos bayuhin ng malakas na hangin dala ng bagyo sa loob ng ilang oras ang naturang isla.

Sa ngayon ay pahirapan pa rin umano ang linya ng komunikasyon sa Calayan Island, Cagayan. RNT/JGC

Previous articleLalaki, patay sa landslide sa Mt. Province
Next articleMalaysia mag-aalok ng training sa Halal industry, Islamic banking – PBBM