MANILA, Philippines- Dumalo si Vice-President Sara Z. Duterte, kasama si Mr. Narciso Santiago, asawa ni dating Sen. Santiago; Dra. Linnea Evangelista, kapatid ni dating Sen. Santiago; Quezon City Mayor Joy Belmonte, at Quezon City Dist. 1 Rep. Arjo Atayde, sa renaming ceremony ng Agham-BIR Road sa Miriam Defensor-Santiago Avenue sa Quezon City, nitong November 11, 2023.
Inaprubahan ng Senado nitong Agosto sa ikatlo at huli nitong pagbasa ang House Bill 7413 na nagsusulong na palitan ang pangalan ng BIR at Agham Roads sa Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue, bilang parangal sa dating senador at upang kilalanin ang kanyang mga kontribusyon sa bansa. Danny Querubin