Home IN PHOTOS TINGNAN: Scholarship ipinagkaloob sa 108 student atheletes sa Navotas

TINGNAN: Scholarship ipinagkaloob sa 108 student atheletes sa Navotas

MANILA, Philippines – BINIGYAN ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Navotas ng scholarship ang 108 na Navoteño elementary at high school students na kabilang sa larangan ng palakasan.

Ang mga bagong binigyan ng scholarship ay 36 sa Navotas Division Palaro champion sa athletics, 24 sa taekwondo, 16 sa badminton at 13 sa swimming at kabilang rin ang apat na gold winners sa table tennis, anim sa chess at siyam sa arnis.

Kasama ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang mga scholars at kanilang mga magulang na lumagda ng isang memorandum of agreement para sa NavotaAs Athletic Scholarship Program.

“We believe that the Navoteño youth are all achievers. We just need to focus on their individual strengths, talents and skills to help them reach the top,” ani Mayor Tiangco.

Ang mga Athletic scholars ay tatanggap ng P16,500 transportation at food allowance, samantalang P1,500 para sa uniform at kagamitan tuwing scholarship term habang makatatanggap rin sila ng free training mula sa kinuhang coaches o magtuturo mula sa pamahalaang lungsod at tulong sa pribadong kompetisyon.

Ang kanilang scholarship ay maaaring i-renew kada taon basta nagwagi ng ikatlong pwesto sa regional o national sports competitions, dumadalo sa lahat ng mahalaga at nakatakdang pagsasanay at napapanatiling maayos ang mga marka.

“We want to hone the talents and skills of our young athletes so they can continue to excel in their respective sports and represent the city in competitions,” dagdag pa ng alkalde.

Simula ng maitatag noong taong 2011 ang NavotaAs Scholarship Program ay sumuporta na ito sa higit 1,000 mag-aaral at mga guro.

Naglaan din ang lungsod ng scholarships sa mga estudyanteng nakapagtala ng outstanding academic performance at artistic talent, maging ang mga anak at kaanak ng Top Ten Most Outstanding Fisherfolk. R.A Marquez

Previous articleBong Go sa MUP pension reform: Retirado, mga aktibo ‘di dapat apektado
Next articleKonsultasyon sa pagpapaliban ng BSKE sa NegOr, sisimulan na ng Comelec

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here