MANILA, Philippines- Ipinamahagi ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit P1.8 milyong pabuya sa “tipsters” na nagbigay ng impormasyon sa mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto ng 13 pugante na itinuturing na most wanted persons sa bansa.
Sinabi ni Police Maj. Gen. Benjamin Acorda, director ng PNP-Directorate for Intelligence, na sangkot ang mga naaresto sa heinous crime cases gaya ng murder, rape, forcible abduction with rape, multiple frustrated murder, at multiple attempted murder.
“These claimants provided vital information that led to the arrest of 13 fugitives from justice listed as Most Wanted Persons,” pahayag ni Acorda.
“Granting of monetary rewards to persons (except government employees) who are instrumental to the arrest, surrender or death in legitimate operations of Most Wanted Persons is among the programs of the Philippine National Police for the immediate arrest of wanted persons in the country,” dagdag niya.
Hinikayat naman ni Acorda ang publiko na huwag matakot sa pagsusuplong sa mga awtoridad ng mga kahina-hinalang indibidwal o aktibidad sa kapaligiran.
“The PNP is grateful to everyone who came forward despite their personal risks and provided timely information that was necessary in order to arrest most wanted persons,” aniya. RNT/SA