Home HOME BANNER STORY Tire factory sa Valenzuela nasunog!

Tire factory sa Valenzuela nasunog!

MANILA, Philippines- Sumiklab ang sunog sa factory ng gulong sa Valenzuela City nitong Martes.

Nagsimula ang sunog bago tumuntong sa alas-4 ng umaga sa isang factory sa Barangay Lingunan, ayon sa ulat nitong Martes.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nag-umpisa ang sunog sa grinding area kung saan isinasagawa ang unang hakbang sa paglikha ng gulong.

Dahil flammable ang gulong, nahirapan ang mga bumberong apulahin ang poy na umabot sa fourth alarm.

Kinailangan pang gumamit ng kemikal upang puksain ang apoy.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang posibleng mitsa ng sunog. Merly Iral

Previous articleWarehouse sa Barangay Catmon, Malabon tinupok ng apoy!
Next articleAndrea, aminadong “pansexual”!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here