Home ENTERTAINMENT Tito, nagpatutsada sa 44th celebration ng EB!

Tito, nagpatutsada sa 44th celebration ng EB!

482
0

Manila, Philippines- Hanggang one-liner lang si Tito Sotto nang hingan kung ano ang kanyang masasabi sa paghahanda ng Tape, Inc. sa 44th anniversary ng Eat Bulaga.

Another year older na naman ang longest running noontime show sa July 29.

Ani Tito: “None of them (referring to Tape people) were there 44 years ago.”

Pero may pahabol pa itong: “The nerve!”

Kung isasalin ito sa wikang Filipino, ang linyang ‘yon ay katumbas ng: “Ang kapal!”

That short lang ang reaksyon ni Tito sa dahilang ipinauubaya na lang ng TVJ sa Marikina City Regional Trial Court ang desisyon sa isinampa nilang copyright infringement at unfair competition laban sa Tape, Inc.

Ayaw ring magkomento ni Bossing Vic Sotto samantalang wala pa raw sagot si Joey de Leon.

Pero kung ang legal counsel ng Tape, Inc. na si Atty. Maggie Garduque ang tatanungin, tila pumabor pa sa EB ang naturang reklamo as far as ratings are concerned.

Nitong July 12, Miyerkoles ay ini-release ng Nielsen Philippines ang comparative ratings ng tatlong magkakasabay na pananghaliang show.

Nakakuha ng 3.6% ang E.A.T. against Eat Bulaga na naka-3.3%.

Three.two (3.2)% naman ang nakuha ng It’s Showtime bagama’t humahataw ito sa social media.

Patuloy pang ibinibitin ng E.A.T. ang kanilang magiging pasabog sa July 29, pero nangangako raw sila na ang kanilang 44th anniversary episode will make history. Ronnie Carrasco III

Previous articleHEALTH CENTERS SA MAYNILA, MALAKI ANG IPINAGBAGO
Next articleLuis Hontiveros, sumilip ang kargada, feeling exploited!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here